A blog about a singing photographer, techie handyman of the house and fun runs.

Newbie sa WordPress

Mabuhay!

Natuloy na rin ang matagal ko nang balak na makapag-post ng mga interests ko dito sa pinaka-popular na blogging site sa bansa, ang WordPress!

Sa tagal kong seryosohin ang blogging dito, naubusan na ako ng sub-domain name na maikli lang at may-recall, kaya eto, after three years of tinkering, mahabang blog name pa rin ang nakuha ko. Friendster (yuck!?), Multiply at FB user lang ako nun. Dahil sa pa-wala na ang Multiply social networking service, kailangan ko na talagang mag-alsa balutan at humanap ng ibang malilipatan.

Naisipan ko noon yung blog name na”dadisinchargeofthehouse” at nitong huling February, eto ngang “Singing Dad on the Run”. Bakit ito? Una, siempre hilig ko ang kumanta, pangalawa, ang manatili lang sa bahay at magbutingting ng kung anu-ano, tumayong ‘mommy’ kapag uber-busy si wifey sa mga trabaho nya. Kasi lapitin sya o sya mismo ang  kusang lumalapit sa mga oportunidad, ‘di tulad ko (bitter?), so ang suporta ko, ‘go with your career wifey, at ako munang bahala sa homey at mga bills’.

Running? eh uso kaya! Dahil dito nawala na ang mabilis kong pagkahingal kapag tumatakbo ako ng 0.2K, oo malinaw pa ang mata mo, 200 meters nga lang hihingalin na ako at masakit na agad ang mga binti at tagiliran ko, of course hindi na ngayon.

Hindi ako isang serious runner, para di na kayo kumontra. Masayahing tao ako at hindi palaging seryoso. Napakarami na akong sinalihang road races at sumubok sa mga trail runs — sumubok lang ha at hindi sa actual race. 16k lang ang longest practice run na na-try ko, 5k at 10k naman sa mga organized races. Sa paligid ng Salcedo Village, Makati; U.P. Diliman; Ultra oval track sa Pasig at BGC, Taguig ang mga lugar nang praktisan namin.

Photography? Dala lang ng mahigpit na pangangailangan kaya pinasok ko ang pagkuha ng litrato ng mga runners at pag-dokumento ng mga race events. Dati kasi, habang tumatakbo, palaging ako ang pinaghahawak ng digicam ng misis ko at ako ng taga-kuha ng shots niya at ng mga friends namin. ‘Tama ba ang form ko?’ ang tinatanong nya after the race o during breakfast with fellow runners. Ayun din siguro ang dahilan kaya naka-tatlong point and shoot camera na ang namaalam na sa aking mga kamay. E ano pa kaya kung dSLR ang dala ko nun?

Kaya ngayon, excuse me at bigyan nyo ako ng daan para sa blog kong ito!

Note: http://arthurmendoza.multiply.com (Art on the Run), malapit ng i-shutdown, mga albums ko!

Advertisements

10 responses

  1. Yun oh! 🙂

    October 7, 2012 at 10:27 am

  2. Ayun oh! Welcome! Hehe

    October 7, 2012 at 10:33 am

    • Rain, alam agad! Magpapa-launch pa lang ako sa BGC eh! Sorry, under development pa lang ito.

      October 7, 2012 at 10:59 am

  3. Mabuhay! Mula sa bayan ng pag-ibig malugod kitang binabati ng Maligayang Pagdating sa Mundo ng Kaligayahan ang WordPress! Char!

    October 7, 2012 at 11:12 am

  4. Thanks Banjo. Kakabaliw ang wordpress, nagkakandaligaw-ligaw ako sa admin pages. Wahahaha!

    October 7, 2012 at 11:26 am

  5. jazzrunner

    Congrats sa bago mong blog, Art! Minsan, karaoke naman tayo!;-)

    October 10, 2012 at 3:34 pm

  6. kamoterunner

    mula sa kangkang capital ng laguna, sta rosa! maligayang pagdating, singing dad on the run! mabuhay ;-P

    October 10, 2012 at 8:28 pm

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s