A blog about a singing photographer, techie handyman of the house and fun runs.

Corned Beef Spaghetti ala Art

One of the best na pagkaing pang carbo-loading before race day. Ang recipe na ito ay ikalawang bersyon ng original, kung saan gamit naman ang ground beef at iba pang herb at spices. Economical ang mga sangkap at paraan ng pagluluto, medyo sweet kaya swak din ito sa mga bata kahit medyo may pagka-earthy ang lasa dahil sa dried thyme na sangkap.

Mga Sangkap:

3 tbsp.            Vegetable oil
1 whole           Garlic, tinadtad ng pino
3 pcs.               White onion-big, tinadtad
260 grams       Corned beef
10 pcs.            Purefoods Vienna Sausage, hiwain ng maliliit
1 kg.                Hunt’s Tomato Sauce
½ cup              Water
3 tbsp.             Soy sauce
1 tbsp.             Rock o iodized salt, dagdagan pa ayon sa panglasa
¼ tsp.              Ground black pepper
1 1/3 cup        Brown sugar
1/8 tsp.           Dried thyme leaves
¾ tsp.              Ajino-moto (MSG), optional

1 kilo               Del Monte Pasta Italiana
1 sm.               Box Eden Filled Cheese

Paraan ng Pagluluto ng Sauce:

(Cooking time: approximately 30 mins.)

Iprito na bahagya ang Vienna sausage. Igisa ang kalahati ng dinikdik na bawang sa mantika hanggang maging light brown ang kulay, isunod ang sibuyas hanggang maluto (semi-transparent ang kulay hindi brown). Igisa ang corned beef at haluin para mag hiwa-hiwalay ang hibla, hintayin pang maluto ng 5 minuto. Ibuhos ang tomato sauce sa iginigisa, simutin ang lalagyan sa pamamagitan ng pagbubuhos ng ½ na tasang tubig sa lalagyan nito at alugin. Ihalo ang natitira pang sangkap pati ang natitirang kalahati ng bawang. Pakulin at hinaan mo ang kalan na parang nagsi-simmer ka lang for 10 minutes para hindi masunog ang sauce. Haluin nang dahan-dahan every 3 minutes ang sauce gamit ang wooden spatula o sandok. Tikman ayon sa panlasa. Ilagay ang thyme, at MSG kung ibig mo.

Paraan ng Pagluluto ng Pasta:
(o di kaya ay sundin ang cooking instruction sa pakete)

Sa kaserolang malaki, magpakulo ng 5 litrong tubig. Bago kumulo, lagyan ng 1 kutsarang asin at 2 kutsarang mantika ang tubig. Ilagay ng hiwa-hiwalay ang pasta sa kumukulong tubig, haluin upang hindi magdikit-dikit. Gawin ang paghahalo sa loob ng 30 segundo kada 5 minuto. Lutuin ng 15 – 20 hanggang maging “al dente” (tamang luto na hindi malabsa). Hanguin ang pasta at i-drain sa colander (malaking strainer), buhusan ng tubig galing sa gripo, mga 3 tabo o 20 segundo sa running water upang mawala ang excess starch sa lutong pasta at patuluin muli.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s